When I am afraid, I will put my trust in you.

Psalms 56:3

World English Bible

padaba taka ~ my albay trip

may 26, 2025 ~ 9:33 pm
 width=

you are here because either nabigyan kita ng link or bigla ka nalang nag ciclick ng link. since paulit ulit na ako ng kwento about my albay trip, isusulat ko nalang dito :))))

— albay with sorsogon side trip

i planned a 3 day trip to albay some time dec 2024. na delay to feb pero na busy that time so di na natuloy. may 2025, eager na kaya tumuloy na ako. sunday evening ang departure ko pero afternoon nag impake. grabe ang cram. first solo travel ko so need ko ng itinerary and since wala pa akong plan, during byahe na ako gumawa ng itinerary. sa byahe na rin ako nag book ng transient, buti nalang gising pa sila at this time. albay lang dapat ang plan ko pero sabi ng mga vloggers sa YT, mag sorsogon na rin daw so nag plan na rin ng side trip sa sorsogon. 1am na siguro ako natapos gumawa ng for 3d2n itinerary. onga pala, ang departure time ko ay 7pm. night travel is for puyat na wala pang tulog.

transport: P 1,500
transient: P 4,000 (3d2n)
expense:
P 5,500 (excluding food)

estimated arrival namin is 7am pero 8am na wala pa sa naga. i checked sa google maps, 2 hours pa from my transient. always expect na ma delay ang time ng arrival kahit san pumunta. ang transient ko is nasa camalig. mas mura compared sa legazpi and mostly ng pupuntahan is around here lang. also, 1 jeep lang to legazpi kaya no problem. dahil maraming drop off, 11am na ako nakarating ng camalig. sira ang itinerary ng day 1 :). instead of checking in, pumunta muna ako ng sumlang lake.

sumlang lake

entrance fee: P 50
expense:
P 5,550 (excluding food)

here's a tip: have an expense tracking app or i notes mo. trust me it helps you track your expense. magiging magastos ka pa rin naman kahit meron ka nyan pero atleast diba na tatrack mo na. so ayun, may resto and cafe inside sumlang lake kaya dun na ako nag lunch. masarap ang food and hindi pricey. maganda ang venue dahil kita ang mount mayon pero di ko sya makita dahil sa ulap. kita pero hindi kita. ang sabi nila dito, kapag nagpakita ang mayon sa unang punta mo ng bicol ibig sabihin daw busilak ang iyong kalooban. so ngayon alam ko na. btw sarado ang cafe nila nung nagpunta ako. not sure if sarado ng monday or sarado talaga that day. stayed at sumlang lake for 2 hours, nag ikot ikot, pictures and other stuff. nawala naman ang ulap after ilan minutes dahil malakas ang hangin kaya nagpakita rin sakin ang mayon. maganda ang bungad sakin ng bicol.

mayon famous 711

2pm nag check in na ako. ayoko ng maraming dala kapag gagala para hindi ganun ka pagod. naligo lang ako then punta na sa next place. camera, drone and tumbler lang ang dinala ko for documentary purposes. dumaan muna ako sa famous 711 spot na pinoy version ng mt fuji and lawson. next stop: cagsawa ruins.

cagsawa ruins

entrance fee: P 50
expense:
P 5,600 (excluding food)

as expected, maraming tao. not much spot here pero maganda ang view. maraming pasalubong shops sa loob at labas ng place. ikaw na ang magsasawa. may museum din and atv ride din within the area pero hindi ko na natry dahil inabot na ako ng closing. dumiretso na ako ng daraga church dahil 5pm at dumidilim na. saglit lang ako sa daraga church at nagugutom na ko. next stop: dinner at farmplate.

smallest chapel in ph, farmplate

entrance fee and trike fare: P 100, P 30
expense:
P 5,750 (excluding food)

unlike other tourist places ive been, sobrang mababait ang mga tao dito. as in sobra. pag alam na tourist ka, hindi sila mag tatake advantage sa pamasahe. instead, ituturo ka nila kung saan ka dapat sumakay. kung ano yung na research kong rate nila, ganun din nung nagpunta ako. ok, sa farmplate na tayo. maraming food stalls dito, maraming tables din. from pizza, grills, burger, coffee hanggang rice meals meron and so on. pwede ka pumwesto sa peak at pwede rin sa baba. best spot ang peak dahil may view ng mayon pero matao. sa baba naman maganda rin kumain dahil maliwanag ang place at maraming ilaw. make your choice. dito na ako nag dinner.

struggle ang pag balik sa transient. unless siguro nasa daraga or legazpi ang transient mo. start muna from farm plate. kung ayaw mo mag special ride pababa ng main road, mag hihintay ka mapuno ang tricycle. dahil ginabi na at mukhang naka sasakyan silang lahat, nag special ride na ko. P 100 agad yun. past 9pm nasa main road na ako pabalik ng camalig. based sa dalawang natanungan ko, wala nang dumadaan or halos wala nang jeep pa camalig dito sa ganitong oras. if gusto mo mag jeep iikot ka pa ng malayo ang jeep or pupunta ka pang legazpi. nag hintay ako about 40 mins pero isa lang ang dumaan, apat pa ang nakasabit so i guess, wala talaga. i took a grab pabalik ng camalig. mahirap gabihin dito. nasanay ako samin na 11pm na, marami pang masasakyan papunta sa ibat ibang lugar. nasa probinsya nga pala ako.

trike fare: P 100
expense:
P 5,850 (excluding food, grab)

nakabalik ng transient past 10pm. sobrang nakakapagod, ang bigat ng camera at drone. yung bag ko alone is mabigat kahit wala pang laman. overall, sobrang enjoy ang first day ko dito. maraming hindi napuntahan dahil nalate ang arrival time ko pero may 2 days pa naman. enjoy din makipag usap sa mga tao dito. pag inapproach mo sila, sasagutin ka ng bicolano. natulala nalang ako dahil wala akong naintindihan ni isa. pero nung sinabi kong tagalog ako, parang may switch na napindot at magsasalita na sila ng tagalog. ang cute lang, kaboses ni gwen lahat ng makausap ko. nice, hindi naligaw ang tagalog sa unang araw.

mount mayon view

day 2: hindi talaga ako gumigising ng 5am pero dahil dito, kailangan. lahat ng hindi ko napuntahan ng day 1, pupuntahan ko before ako mag sorsogon. pinuntahan ko muna ang pinaka malapit sa transient, which is quintuinan ranch. special ride ng tricycle papunta is pricey knowing puro paahon ang daan. para makabalik ng main road, maghihintay ka ng tricycle na papunta or dadaan ng quintuinan ranch. if wala kang car, pwede ka magpahintay sa tricycle para meron kang sasakyan pababa. maganda ang quintuinan ranch. especially camping overnight. kaharap mo ang mayon as you relax. saglit lang ako dito dahil mag pupunta pa akong legazpi city.

trike fee: P 300.
expense:
P 6,150 (excluding tricycle waiting tip)

legazpi city

legazpi city. dito na ako nag breakfast. di ko na napuntahan ang 'I Love Legazpi' sign dahil di ako aware na meron pala. nasabi nalang sakin ng driver pagbalik ko ng manila. just walked around the area lang before ako mag punta ng bus terminal papuntang sorsogon. after an hour walk, pumunta na rin ako ng terminal dahil di ko alam ilang oras ang byahe papunta ng sorsogon.

bus fare: P 100
expense:
P 6,250

sorsogon sports arena

umabot ng 2 hours ang byahe. ma traffic dahil sa road works at hindi kabilisan ang nasakyan ko. dagdag mo pa ang 30 minutes ng pagpupuno ng bus sa terminal. di ko naman ramdam ang haba ng byahe dahil sa nakakwentuhan kong katabi sa bus. helpful din para makapagtanong ng things about sa albay or sorsogon. kitang kita ang pagka introvert. pagdating ko ng sorsogon, nag lunch muna ako saglit then nag proceed na to take photos. kids are very happy at gustong magpapicture nung nilabas ko ang camera ko. feel mo yung pagka friendly nila kahit di mo sila naiintindihan. not sure if dahil halata nilang bisita ako or dahil sa camera, or idk. saglit lang din sa municipal hall, photos and konting lakad. after that, i headed to sorsogon sports arena. just a short tricycle ride lang on 25 pesos fare. dito ko na unang ginamit ang drone ko. masyadong shy kaya di nailabas nung first day hehe. maraming shots din ang nagawa ko dito before i met another tourist. i finished shooting videos on drone because dumidilim na rin and we started chatting na. its pleasant knowing na we have the same impression about people and the place here. we finished our chats na when its getting dark and nagugutom na ko.

i headed back to legazpi by uv express and nakarating ako ng 8pm. nag dinner lang sa sm legazpi then naglakad lakad around the area. less walking and more byahe today pero nakakapagod parin. on the way back sa transient, nakakwentuhan ko ang grab driver on purpose of knowing where the best pasalubong resides. turns out sa tapat lang ng transient ko may pasalubong store. grabe ang babait ng tao dito.

van fare: P 150
expense:
P 6,400 (excluding food, grab)

bypass road

day 3: 6am quick breakfast lang. planning to get drone shots as much as possible. 12pm ang pabalik ko ng manila so pagkakasyahin ko na lahat within the remaining hours. 7pm sa bypass road, best shots ng drone came from here. wala rin masyadong tao kaya ok lang mag shoot ng videos. though maraming dumadaan na sasakyan ok lang. naghintay ulit ng matagal para magpakita ang mayon. 7:30 am palang pero tirik na ang araw. di ko na rin makita ang screen ng drone sa sobrang liwanag. ang hirap mag shoot. after 2 hours nakakuha na ko ng maraming drone shots.

i headed again to daraga for more shots and different angle and para makabili ng mga pasalubong. looks like di ko na mapupuntahan yung pasalubong shop na malapit sa transient. sa daraga, ang hirap pala magpalipad ng drone dahil maraming ibon. ayoko mag viral dahil nakatama ako ng ibon kaya di ko na tinuloy. aside from place gusto ko lang talaga marinig yung dialect nila dito kaya sa matao ako nagplan maglakad lakad. yung place, almost same lang ang itsura dito from where im from. iba lang ang vibes. nang nakaramdam na ako ng gutom, pumunta na ako ng pasalubong shops and then nag lunch sa isang karenderya. the best ang native food pag lutong bahay. feel na feel mo ang place. my driver picked me up kung san ako nag lunch before we head na to manila.

transport: P 1,500
total expense: P 7,900 (excluding food, jeep / grab fare and pasalubong)

blessed to have a trip like this. peaceful, not rushed and full of unexpected events. wish i would experience this kind of feeling again on different place. ill try not having itinerary next trip and just enjoy the adventure. unpredictable yet exciting.

"Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see."
Hebrews 11:1

back to top ↑